^

PSN Palaro

Pasado lahat!

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Pumasa ang mga manlalarong ipinatala ng siyam na koponang magtatagisan sa 86th NCAA basketball na magsisimula na sa Hunyo 26 sa Araneta Co­liseum.

Bagamat mananatiling paborito ang nagdedepen­sang San Sebastian, hindi naman matatawaran ang lakas ng ibang kalahok sa pangunguna ng dating 3-peat champion na San Beda na ipaparada uli si American Sudan Daniels at napalakas ng pagkuha ng kambal na Fil-Aussie na sina Anthony Paul at David John Semerad.

Nasa koponan na rin si Kyle Pascual, na isang 6’5 center na nakabase sa California.

“Malalakas ang mga roo­kies namin pero makikita ang kanilang husay sa aktuwal na laro,” wika ni Fran­kie Lim.

Nilinaw naman ni Ma­nagement Committee chair­man ng host San Sebastian na si Frank Gusi na kahit pasado ang mga manlalarong ipinatala ay maaari silang makuwestiyon kung may maipapakitang bagong ebidensya ang mga magnanais na magreklamong kasaping koponan.

“We’ver already approved the roster but a team can question a pla­yer’s eligibility if they have strong evidence. Otherwise, everybody can play,” paliwanag ni Gusi.

Ang Stags na magbabalak ng ikalawang sunod na titulo sa patnubay ni coach Renato Agustin ay aasa kina Calvin Abueva, John Raymundo, Gilbert Bulawan, Ian Sangalang at Ronald Pascual.

Ang Jose Rizal Univer­sity na hahawakan sa unang pagkakataon ng da­ting Heavy Bomber at PBA Great Vergel Meneses ay sasandal kina Cameroonians John Njei Nchotu at Joe Etame bukod kay Mar­vin Hayes.

Ang lakas ng San Sebastian, San Beda at JRU ay makikilatis sa unang araw ng torneo dahil ang Stags ay makakalaban ang Letran ganap na ika-2 ng hapon at susundan ng pagkikita ng Lions at Bom­bers dakong alas-4.

AMERICAN SUDAN DANIELS

ANG JOSE RIZAL UNIVER

ANG STAGS

ANTHONY PAUL

ARANETA CO

CALVIN ABUEVA

CAMEROONIANS JOHN NJEI NCHOTU

SAN BEDA

SAN SEBASTIAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with