^

PSN Palaro

Perpetual, NU belles lalaro sa Shakey's V-League

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Dalawang bagong ko­po­nan ang magpapatingkad sa ikalawang conference ng Shakey’s V-League na sisimulan sa Hulyo 11.

Walong koponan pa rin ang maglalaban-laban sa susunod na conferen­ce at makakasali sa unang pagkakataon ang mga koponan ng National University at University of Perpetual Help.

Hindi na kasali sa papasok na conference ang six-time champion UST nang magdesisyon ang pamunuan ng paaralan na ipahinga muna ang kanilang manlalaro para makahabol sa kanilang pag-aaral.

Ang Lady Tigresses ang nagkampeon sa first conference nang pataubin ang San Sebastian sa tatlong labanan para makuha rin ang ikatlong sunod na titulo sa ligang inorganisa ng Sports Vision.

Magbabalik naman sa second conference ang San Sebastian, Ateneo, Ly­ceum, FEU, St. Benilde at Adamson.

“Gaya pa rin ng first conference ang format na may dalawang guest players at puwedeng kumuha ng isang foreigners. Sa ngayon ay ang Ateneo at San Sebastian ay maglalaro uli ng may Thai reinfor­cement at ang Lyceum ay nagpasabi rin na balak nilang kumuha ng isa ring Thai import,” wika naman ni Sports Vision official Mauricio “Moying” Martelino.

Naniniwala rin ang opis­yal na magiging kapana-pa­nabik pa rin ang liga ka­hit wala ang UST dahil na rin sa mainit na tagisan ng mga datihan at ang ha­ngarin na makapanggu­lat ng dalawang bagitong koponan.

ADAMSON

ANG LADY TIGRESSES

ATENEO

NATIONAL UNIVERSITY

RIN

SAN SEBASTIAN

SHY

SPORTS VISION

ST. BENILDE

UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with