^

PSN Palaro

Alapag sandata ng Talk N Text sa pagratsada, nahirang na PBAPC PoW

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Bagamat siya ang isa sa pinakamaliit na PBA pla­yer ngayon, hindi naman ma­tatawaran ang puso ni Jimmy Alapag.

Sa kanyang paggiya sa Talk ‘N Text sa magkakasu­nod na panalo, nahirang ang 5-foot-8 na si Alapag bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week para sa linggo ng Hunyo 7 hanggang 13.

Ang sinasakyang all-ti­me franchise-best 13-ga­me winning streak ang nag­­bigay sa Tropang Texters ng isa sa dalawang outright semifinals ticket sa 2009-2010 PBA Fiesta Conference.

“One of the best clutch players today who simply refuses to lose,” wika ni TNT head coach Chot Reyes sa 32-anyos na pointguard.

 Si Alapag ang nagbida para sa tagumpay ng Tropang Texters sa Alaska Aces at nagdedepensang San Miguel Beermen.

 Nagtala si Alapag, nakasalo ni Kelly Williams sa naturang parangal para sa linggo ng Mayo 17 hanggang 23, ng mga averages na 13 points at 7.0 assists para ungusan ang kanyang kakamping si Ranidel de Ocampo (11 points, 9.0 rebounds, 4.0 assists).

 Ang produkto ng Cal State-San Bernardino ay naglista ng 15 points at 7 assists sa 85-82 paglusot ng Talk ‘N Text sa San Miguel noong Sabado sa Victorias City sa Negros Occidental at namuno sa 76-75 pagtakas sa Alaska noong nakarang Miyerkuyles.

 Ang huling dalawang koponang makakaharap ng Tropang Texters ay ang B-Meg Derby Ace Llamados at Barako Energy Coffee Masters. 

ALAPAG

ALASKA ACES

B-MEG DERBY ACE LLAMADOS

BARAKO ENERGY COFFEE MASTERS

CAL STATE-SAN BERNARDINO

CHOT REYES

FIESTA CONFERENCE

JIMMY ALAPAG

N TEXT

TROPANG TEXTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with