Cast ng RP Invitational Challenge Cup kumpleto na
MANILA, Philippines - Isang four-day pocket tournament na lalahukan ng Talk ‘N Text at Barangay Ginebra ang itinakda ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa Hunyo 24-27 sa Ninoy Aquino Stadium.
Ang Philippine Invitational Challenge Cup, ayon kay SBP executive director Noli Eala, ay siyang magtatampok sa Smart Gilas Pilipinas ni Serbian head coach Rajko Toroman.
“PBA confirms participating of Talk N’ Text and Ginebra as guest teams in the invitationals, the cast is now complete and this should be a good tournament,” wika ni Eala.
Gagamitin ng Smart Gilas Pilipinas ang naturang torneo para sa paghahanda sa darating na 16th Asian Games sa Guangzhou, China sa Nobyembre at sa 2011 FIBA-Asia Championship.
Maliban sa Smart Gilas, Tropang Texters at Gin Kings, kasali rin sa pocket tournament ng SBP ang national team ng Jordan at ang Dong Guan club ng Chinese Basketball Association.
Nakatakda ring sumabak ang Nationals sa William Jones Cup International Invitational tournament sa Hulyo 13-21 sa Taipei County’s Sinjhuang Stadium sa Chinese Taipei.
Ka-gurpo ng RP Team ang Chinese Taipei, Japan, Lebanon, ang second team ng Iran at ang club team ng Western Australia.
- Latest
- Trending