Ascof Lagundi, M. Lhuillier-Cebu nanalasa agad sa TOP
MANILA, Philippines - Pinalawig ng Cebu Ninos ang winning streak sa 22 nang kalusin nila ang Ani-FCA sa pagsisimula ng Tournament of the Philippines kahapon sa NinoyAquino Stadium.
Nagpasabog ng 30 puntos kasama ang pitong tres ni Stephen Padilla at pinangunahan ang mainit na paglalaro ng Ninos sa ikatlong yugto upang makabangon sa 23-37 pagkakalubog upang makuha ang unang panalo sa Leg 1 ng kompetisyong pinagtatambalan ng PBL at Liga Pilipinas.
“Ilang araw pa lamang halos nagkasama-sama ang mga players kaya nangangapa pa. Pero maganda ang depensa namin at naniniwala akong mas gaganda pa ang laro namin sa mga susunod na araw,” wika ni Cebu coach Yayoy Alcoseba.
Angat pa nga ang Cultivators sa halftime, 39-30, pero kumawala ng 36 puntos ang Cebu sa ikatlong yugto upang makalayo sa 66-59 iskor.
Unang koponan naman na kumuha ng panalo ay ang Ascof Lagundi na nalusutan ang Treston Laguna, 89-85.
Tumayong bida sina Edwin Asoro at Vic Manuel upang maisantabi ng koponan ni coach Carlo Tan ang 83-85 iskor pabor sa Stallions.
Isang fastbreak lay-up ang ginawa ni Asoro para maitabla ang iskor sa 85, may 44 segundo sa laro.
May tsansa pa siyang ibigay na ang kalamangan sa koponan nang ma-foul siya ni Ricky Ricafuente pero sumablay siya.
Naroroon naman si Manuel para sa offensive rebound ay napasabit niya si Robert Sanz para sa dalawa pang free throws na madaling naipasok ng 6’4” forward na hinirang na MVP sa nakalipas na PBL conference.
Ascof Lagundi 89 - Manuel 14, Smith 13, Asoro 10, Co 10, Labagala 9, Aguilar 8, Lanete 6, Gamalinda 5, Mangahas 5, Canlas 5, Uyloan 2, Leynes 2, Maliksi 0.
Treston Laguna 85 - Sanz 23, Bolocon 18, Legaspi 11, Losentes 10, Mangahas 9, Grijaldo 6, Angeles 3, Mercado 2, Ricafuerte 2, Capati 1.
Quarterscores: 26-16; 45-39; 63-65; 89-85.
M.Lhuillier Cebu 86 - Padilla 30, Magsumbol 15, Santos 13, Cruz 8, Ababon 6, Ybanez 5, Saladaga 4, Mepana 3, Basco 2, Nailon 0.
ANI-FCA 73 - Hugnatan 19, Bautista 12, Luanzon 9, Custodio 9, Arao 7, Co 5, Ong 4, Mirza 4, Sena 2, Dizon 2, Te 0, Canuday 0
Quarterscores: 13-22; 30-39; 66-59; 86-73.
- Latest
- Trending