^

PSN Palaro

Mas malaking torneo plano para sa Coca-Cola Hoopla

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Hindi pa man tapos ang 20­10 Coca Cola Hoopla ay nag­­paplano na ng mas mala­king edisyon ang organizers ng torneo.

Sa pagdalo nina Coca Cola executive JB Baylon at dating na­tional coach at organizer ng torneo Joe Lipa sa PSA Forum sa Shakey’s sa UN Avenue, kanilang ibinulalas na matagum­pay ang unang edisyon dahil na­isakatuparan nila ang layunin ng pagkakatatag ng torneo.

 Una ay ang mabigyan ng pagkakataon ang mga mahihilig sa basketball sa Barangay na maipakita ang kanilang angking galing bukod pa sa pagkakadiskubre na marami pa ring mga ma­huhusay na shooters na magagamit ng mga susunod pang national team.

Ipinunto din ng mga organizers ang pagdagsa ng mga basketball scouts sa mga iba’t-ibang paaralan na sumisilip sa kanilang mga laro upang makahanap ng puwedeng makuha para sa kanilang paaralan.

Ilan sa mga posibleng sini­pat ay ang mga 3-point shooters na nagpasikat sa mga koponang ka­lahok at ani Lipa ay nagpapa­tibay sa hangarin ng Pilipinas na may makita pang kasing-husay ng mga dating shooters sa pa­ngu­nguna na ni Allan Caidic.

Ngayong gabi ganap na alas-6 ay gagawin ang finals sa pagitan ng Pasig at Muntinlupa sa Pasig City Sports Complex.

Ang Pasig ang siyang may ta­ngan ng twice-to-beat advantage at kailangang manalo muna ang Muntinlupa para ma­kahirit ng do-or-die game.

Pero ngayon pa lamang ay tiniyak na ni Baylon na mas malaki ang ikalawang edisyon ng Hoopla dahil gagawin na nila itong nationwide.

“Hindi bababa sa 100 koponan ang maaaring sumali sa susunod dahil lahat ng lugar sa bansa na mayroong planta ng Coca Cola at iimbitahan naming sumali,” ani Baylon.

ALLAN CAIDIC

ANG PASIG

BAYLON

COCA COLA

COCA COLA HOOPLA

JOE LIPA

MUNTINLUPA

PASIG CITY SPORTS COMPLEX

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with