^

PSN Palaro

POC nagtakda ng 'absolute deadline' sa mga NSAs

-

MANILA, Philippines - Umaasa ang Philippine Olympic Committee (POC) na makapagsusumite ang ilan pang National Sports Assiociations (NSA)s ng mga dokumentong kailangan para sa paglahok sa 16th Asian Games sa Guangzhou, China.

“Binigyan na namin sila ng deadline na up to June 7. But up to now marami pa rin namang hindi nakakapag-submit kagaya ng mga passport requirements,” ani POC spokesman at Chef De Mission Joey Romasanta. “Kami ay magpapadala ng mga notice doon sa mga hindi pa nakakakumpleto and we have agreed to extend on June 15 as an absolute date of deadline.”

Ayon kay Romasanta, ang sinumang NSA na hindi pa rin makakapagbigay ng kanilang dokumento sa POC ay tuluyan nang hindi makakapunta sa 2010 Guangzhou Asiad sa Nob­yembre.

“After June 15 ay hindi na kami tatanggap ng accreditation or application form sapagkat kami naman ang magagahol sa oras at hindi naman dapat masisi pa ang Secretariat,” dagdag pa ng karatedo vice-president.

Ang pangunahing kriterya ng POC para sa pagpili ng mga atletang isasabak sa Guangzhou Asiad ay ang pagiging gold medalist sa nakaraang Southeast Asian Games sa Laos.

Noong 2006 Asian Games sa Doha, Qatar, nag-uwi ang Team Philippines ng kabuuang 4 gold, 6 silver at 9 bronze medals para tumapos bilang pang 18th-placer.

Samantala, sinabi naman ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Harry Angping ngayon pa lang ay dapat nang nasa matinding paghahanda na ang mga national athletes para sa naturang quadrennial event.

“With five months before the Asian Games, we have to do so­mething. It’s not a joke,” ani Ang­ping na nakatakdang bu­maba sa kanyang posisyon sa Hunyo 30. “I have been meeting coaches and athletes, giving them words of encouragement. I’ll also set a get-together with NSA leaders to discuss this.”

AFTER JUNE

ASIAN GAMES

CHEF DE MISSION JOEY ROMASANTA

GUANGZHOU ASIAD

HARRY ANGPING

NATIONAL SPORTS ASSIOCIATIONS

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SOUTHEAST ASIAN GAMES

TEAM PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with