^

PSN Palaro

Derby Ace import pauuwiin na rin

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Katulad ng ilang kopo­nan, nag-iisip na rin ang Lla­mados na palitan si import Clif Brown.

Sa nakaraang dalawang sunod na panalo ng Der­by Ace sa Alaska at nagde­depensang San Mi­guel sa second round ng 2009-2010 PBA Fiesta Confe­rence, umiskor lamang si Brown ng 7 at 11 puntos, ayon sa pagkakasu­nod.

“He’s been clearing the boards for us and he’s been more of a weakside rebounder and scorer,” ani Llamados’ head coach Ryan Gregorio sa panayam ng GMANews.TV. “But he only scored seven and 11 points the past few games, numbers which can be produced by a local player. I’ve been honest with Clif about it.”

Sa kabila ng posibleng pagpapauwi kay Brown, humalili naman sa may injury na si Lorenzo Wade, wala pang bagong pangalan ng import si Gregorio.

Kamakailan ay humu­got ng mga bagong reinforcement ang Air21, Barangay Ginebra at Coca-Cola para palakasin ang kanilang tsan­sa sa torneo.

Kinuha ng Express ang orihinal nilang piniling si Leroy Hickerson kapalit ni Reggie Larry, habang ipinarada naman ng Gin Kings si Denham Brown, sumalo sa naiwang trabaho ni Mildon Ambres, at ibabandera ng Tigers ang baguhang si John Williamson sa Hunyo 13.

Sa bisa ng kanilang 11-game winning streak, inagaw ng Talk ‘N Text ang liderato sa kanilang 12-2 rekord kasunod ang San Miguel (11-3), Derby Ace (9-5), Alaska (8-5), Ginebra (8-6), Rain or Shine (7-6), Coke (5-9), Sta. Lucia (4-10), Air21 (3-11) at Barako Coffee (2-12).  

BARAKO COFFEE

BARANGAY GINEBRA

CLIF BROWN

DENHAM BROWN

DERBY ACE

FIESTA CONFE

GIN KINGS

JOHN WILLIAMSON

LEROY HICKERSON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with