^

PSN Palaro

Pasig kontra Muntinlupa

-

MANILA, Philippines - Itinakda ng Pasig at Muntinlupa ang kanilang title showdown matapos manaig sa Final Four sa 2010 Coca-Cola Hoopla sa Notre Dame gym sa Caloocan City.

Nagsalpak si Jigo Baylen ng isang buzzer-beating 3-point shot para itakas ang Pasig sa Caloocan, 80-79, habang humugot naman ang Muntinlupa ng 25 puntos kay Kevin Racal para sa kanilang 78-69 paggupo sa Makati sa semifinal round.

Nakatakda ang Game 1 sa pagitan ng Pasig at Muntinlupa sa Miyerkules alinman sa Rizal High at Pasig Sports Center.

Naghahabol sa 77-79, tumanggap ng bola si Baylen kay Julius Mark upang isalpak ang naturang tres kasabay ng pagtunog ng final buzzer.

“Pagtanggap ko ng bola ibinato ko na lang agad dahil wala ng oras. Salamat pumasok,” ani Baylen, isang incoming freshman student sa Polytechnic University of the Philippines.

Tumipa naman si Ranniel Nudo ng 16 marka para sa Pasig kasunod ang 13 ni Elmer Labis laban sa Caloocan na kanilang tinalo, 78-74, sa kanilang unang pagkikita sa Kolisiyum ng Bayan sa Makati sa nasabing two-round inter-zonal phase na may cash prize na P250,000.

 mula kay Coca-Cola Export and PBA governor JB Baylon.

vuukle comment

BAYLEN

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

COCA-COLA EXPORT

COCA-COLA HOOPLA

ELMER LABIS

FINAL FOUR

JIGO BAYLEN

JULIUS MARK

MUNTINLUPA

PASIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with