40 sports na ang nakalatag sa 2011 SEA Games
MANILA, Philippines - Hindi malayong lumabas ang 2011 Southeast Asian Games bilang pinakamalaking bilang kung ang sports na kasali ang pag-uusapan.
Labingwalong buwan pa bago ang pormal na pagsambulat ng kompetisyon na itataguyod ng Indonesia ay pumalo na sa 40 ang sports na nakatakdang laruin sa 26th edisyon ng SEA Games.
Sa ulat ni Go Teng Kok, ang POC sports and rules committee nang dumalo siya sa SEAG Federation meeting sa Jakarta, Indonesia noong Mayo 29, ang bilang ay tataas pa dahil ang ibang kasaping bansa ay magla-lobby rin ng mga larong nais nilang isama.
“Dapat ay 42 ang sports na kasali na pero ang futsal ay isinama na sa football at ang soft tennis na demo sa Laos ay kasama na sa lawn tennis. Ang ibang bansa ay magla-lobby pa at ipapasok ko rin ang Muay at arnis. Kaya sa tingin ko ay marami ang sports na lalaruin sa Indonesia at hindi bababa ito sa 45,” wika ni Go nang dumalo sa SCOOP sa Kamayan sa Padre Faura kahapon.
Isinama na rin ng Indonesia ang mga larong basketball, baseball at softball na mga events na pinaghaharian ng Pilipinas kaya’t tiyak na mas darami ang makukuhang gintong medalya ng Pambansang koponan na ilalaban sa kompetisyon.
Ang iba pang sports na kasali na ay ang athletics, swimming, archery, badminton, billiard and snooker, bowling, boxing, canoeing, cycling, equestrian, fencing, football, gymnastics, karate-do, rowing, sailing, sepak takraw, soft tennis, shooting, taekwondo, table tennis, tennis, volleyball, weightlifting, wrestling, wushu, body building, chess, fin swimming, kempo, pencat silat, traditional boat race, water skiing, bridge, wall climbing, roller skate at paragliding.
U mabot lamang sa 25 sports ang nilaro sa Laos SEA Games noong 2009 .
- Latest
- Trending