MANILA, Philippines - Sinilo ni Sheena Atilano ang bronze medal sa unang yugto ng 2010 Asian Grand Prix na idinaos nitong Hunyo 1 sa Pune, India.
Ang 30-anyos na si Atilano na kumuha ng dalawang ginto sa katatapos na National Open kasama ang paboritong 100m hurdles, ay nagsumite ng 14.03 segundo tiyempo para mapasok sa medal finish.
Nakauna sa kompetisyon si Anastasiya Suprunova ng Kazakhstans sa 13.36 segundo habang si SEA Games gold medalist Dede Erawati ng Indonesia ang kumuha sa pilak sa 13.64 tiyempo.
Si Henry Dagmil ang isa pang pambato ng Pilipinas sa tatlong yugtong torneo na nagbibigay ng gantimpalang salapi sa mangungunang tatlong atleta sa bawat leg.
Pero hindi umubra si Dagmil dahil ang kanyang naitalang 7.67m lundag ay kinapos para sa bronze na hinawakan ni Yu Zhengwei ng China sa 7.72 m.