^

PSN Palaro

TNT Texters malakas ang signal

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Kagaya ng dapat asahan, dumiretso sa kanilang pang 10 sunod na arangkada ang mga Tropang Texters para muling makasosyo sa liderato ang Beermen.

Nagbida sina Mac Cardona, Ranidel De Ocampo, Jayson Castro, Kelly Williams sa 104-85 paggiba ng Talk 'N Text sa Rain or Shine sa second round ng 2009-2010 PBA Fiesta Conference kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

“This team (Elasto Painters) is a dangerous team to play with. They always get one from us every conference and I told the boys to play tough,” wika ni Tropang Texters’ coach Chot Reyes.

May 11-2 rekord nga­yon ang Talk ‘N Text katabla ang nagdedepensang San Miguel kasunod ang Barangay Ginebra (8-5), Derby Ace (7-4), Alaska (6-5), Rain or Shine (6-6), Coca-Cola (5-8), Sta. Lucia (4-8), Barako Coffee (2-11) at Air21 (2-11).

Agad na kinuha ng Tropang Texters ang 53-32 abante sa first half patungo sa 82-54 pagbaon sa Elasto Painters.

Sa naturang ratsada sa third quarter, nagbida sina Castro, Cardona, De Ocampo at Williams.

Ayon kay Reyes, hindi nila minaliit ang kakayahan ng Rain or Shine ni mentor Caloy Garcia.

‘We had two days of hard practice before we tapered off last Tuesday,” sabi ni Reyes sa kanilang paghahanda.

“We are obsessive in our practice as we get ready for our four tough games starting on Sa­turday against Barangay Ginebra, which is a tough team,” dagdag pa nito.

Magtatagpo ang Tropang texters ni Reyes at ang Gin Kings ni Jong Uichico sa Sabado sa Batangas City Sports Center.

Hangad ng Talk ‘N Text ang kanilang pang 11 sunod na arangkada.

Magpipilit namang makabangon ang Ginebra buhat sa kanilang kabi­guan sa Rain or Shine.

Ang Talk ‘N Text nga­yon ang pinakamainit na koponan sa torneo makaraang magwakas ang isang nine-game winning streak ng Beermen.

Bago sagupain ang Tropang Texters, pinigil muna ng Elasto Painters ang isang four-game winning run ng Gin Kings noong Linggo.

Nanguna si import Jai Lewis para sa Rain or Shine mula sa kanyang 21 puntos at 11 rebounds.

vuukle comment

ANG TALK

BARAKO COFFEE

BARANGAY GINEBRA

BATANGAS CITY SPORTS CENTER

BEERMEN

ELASTO PAINTERS

GIN KINGS

N TEXT

REYES

TROPANG TEXTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with