Kuznetsova tinanggalan ni Kirilenko ng French Open title
PARIS--Isang malaking upset ang natikman ni defending champion Svetlana Kuznetsova sa third round ng French Open mula sa mga kamay ng 30th-seeded na si Maria Kirilenko.
Naungusan ni Kirilenko ang sixth-seeded na si Kuznetsova, 6-3, 6-2, 6-2 sa all-Russian match nitong Biyernes upang makarating sa fourth round sa Roland Garros sa unang pagkakataon.
Ang kabiguang ito ni Kuznetsova ay nangangahulugan ng kanyang pagbagsak sa top 10 sa rankings sa unang pagkakataon matapos ang halos apat na taon.
Itinakda naman nina Maria Sharapova at Justine Henin ang kanilang third-round showdown matapos na manalo sa kani-kanilang sinuspindeng laban kagabi sanhi ng kadiliman sa venue.
Tinapos ni Sharapova si Kirsten Flipkens ng Belgium, 6-3, 6-3 at ginapi naman ng four-time champion na si Henin si Klara Zakopalova ng Czech Republic, 6-3, 6-3.
Taglay ni Henin ang 6-3 record sa kanilang paghaharap ni Sharapova. Napagwagian ng Russian ang kanilang huling laban sa quarterfinals ng 2008 Australian Open.
Sa iba pang laro, inihakbang ni Venus Williams ang kanyang kampanya sa fourth-round matapos na payukurin ang No. 26 na si Dominika Cibulkova ng Slovakia, 6-3, 6-4.
- Latest
- Trending