Rematch kay Cotto ikakasa ni Arum kapag 'di pumayag si Mayweather
MANILA, Philippines - Sakaling muling hindi maitakda ang Manny Pacquiao-Floyd Mayweather, Jr. megafight sa Nobyembre 13, may ilang opsyon pa ring tinitingnan si Bob Arum ng Top Rank Promotions.
Sa panayam kahapon ng BoxingScene.com, sinabi ng 78-anyos na si Arum na maaari niyang muling ilaban ang Filipino world seven-division champion kay Puerto Rican Miguel Angel Cotto.
Ngunit mangyayari lamang ito kung matatalo ni Cotto si World Boxing Association (WBA) light middleweight titlist Yuri Foreman sa Hunyo 5 sa New York Yankees’ Stadium.
“If the Mayweather deal is not made, Pacquiao might fight Miguel Cotto, if Cotto beats Foreman for the 154-pound title,” wika ni Arum sa kanyang opsyon. “I don’t think Manny would fight Yuri Foreman because he says Yuri si too tall.”
Wala pa ring nakukuhang balita si Arum mula sa kampo ni Mayweather sa kabila ng pagpayag ni Pacquiao na sumailalim sa isang Olympic-style random blood testing 14 araw bago ang kanilang laban.
Si Pacquiao ang umagaw kay Cotto sa dating suot nitong World Boxing Organization (WBO) welterweight via 11th-round TKO noong Nobyembre.
“Obviously, sometimes, when a fighter gets beat like that, like he did with (Antonio) Margarito and then with Pacquiao, it does take a lot out of him,” ani Arum kay Cotto. “Whether it has in this case we’ll know on June 5.”
Maliban kay Cotto, maaari ring iharap ni Arum si Pacquiao kay Margarito, ang dating WBA welterweight ruler.
Samantala, inaasahan naman ni Arum na magtatagpo sila ni Pacquiao sa pagdating ng Congressman ng Sarangani sa New York sa Martes (US time) para tanggapin ang kanyang pangatlong Fighter of the Year award mula sa Boxing Writers Association of America (BWAA).
Sa Hunyo 4 nakaiskedyul ang naturang seremonya sa Roovelt Hotel sa New York na inaasahang dadaluhan rin ni American trainer Freddie Roach na kinilala namang Trainer of the Year sa ikaapat na pagkakataon.
- Latest
- Trending