^

PSN Palaro

Russian qualifier sinibak ni Sharapova

-

PARIS - Nakarating si Maria Sharapova sa second round ng French Open nang magaang na talunin ang Russian qualifier nitong Martes.

Hangad na mapanalunan ang natatanging Grand Slam title na wala sa kanyang pagbabalik, pinatalsik ng 12th-seeded na si Sharapova ang 110th-ranked na si Ksenia Pervak, 6-3, 6-2 nitong Martes.

Nagwagi si Sharapova ng 24 sunod na first-round matches sa Grand Slam hanggang sa ma-upset sa Australian Open nitong January. At ngayon nagsisimula uli siya ng panibangong streak.

Ang pinakamagandang pag­tatapos na nagawa ni Sharapova sa Rolland Garros ay noong 2007 semifinals. At sa panahong iyon lumiban siya sa season sanhi ng injury niya sa kanang siko, gayunpaman, nagawa ni­yang manalo sa clay-court warmup sa Strasbourg nitong nakaraang weekend.

Ito naman ang debut ng 18-anyos na si Pervak sa main draw sa isang major tournament.

Nauna rito, kinuha naman ni Justine Henin ang isang ma­laking hakbang sa kanyang pagbabalik mula sa pagreretiro matapos na igupo si Tsvetana Pironkova, 6-4, 6-3 sa kanyang first-round match.

Ito ang unang laban ni Henin sa center court sa Roland Garros mula noong 2007, nang si­ya ay manalo sa tournament sa ikaapat na pagkakataon.

Samantala, sinimulan naman ni four-time champion Ra­fael Nadal ang kanyang kampanya na maibalik ang French Open title matapos na igupo si Gianni Mina ng France, 6-2, 6-2, 6-2 sa kabila ng paminsan-minsang pangangapa sa kanyang serbisyo.

Nagtala si Nadal, na-upset ni Robin Soderling sa fourth round noong nakaraang taon, ng 28 un­forced errors at nagsalba la­mang ito ng siyam na break points laban sa 655th-ranked na si Mina.

Ginapi naman ni No. 7 Fernando Verdasco si Igor Kunitsyn, 6-4, 6-2, 6-2 at tinalo ni Andy Roddick si Jarkko Nieminen, 6-2, 4-6, 4-6, 7-6 (4), 6-3.

ANDY RODDICK

AUSTRALIAN OPEN

FERNANDO VERDASCO

FRENCH OPEN

GIANNI MINA

GRAND SLAM

IGOR KUNITSYN

JARKKO NIEMINEN

SHARAPOVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with