^

PSN Palaro

Gorres naipaghiganti ni Domingo kay Melendez via TKO win

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Pinawi ni Michael Domingo ang pait na nangyari sa kababa­yang si Z Gorres nang kanyang patulugin si Luis Melendez ng Colombia na ginanap nitong Linggo sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu City.

Pinahirapan ng 30-anyos na si Domingo si Melendez ng mga matitinding body punches bago tinapos ang laban sa malakas na hook sa tagiliran nito para ma­paupo ito.

Dala ng matinding sakit ay hindi na nagtangka pang tumayo ni Melendez habang bi­ni­bilangan ni referee Gene Del Blanco para sa technical knockout win may 1:39 sa ikala­wang round.

Mismong si Gorres ay sumak­si sa laban at agad na ti­na­wag ni Domingo si Gorres upang sabihing naisakatuparan niya ang misyon nang tanggapin ang laban, ang maipaghiganti kahit paano ang nangyari sa kababayan at stablemate sa Ala Boxing Promotion.

Matatandaan na nagkalaban na sina Gorres at Melendez noong Nobyembre 13 sa Mandalay Bay House of Blues sa Las Vegas at kahit idineklarang panalo si Gorres sa labang iyon, lumabas na kahuli-hulihang pag­­sampa sa ring na ito ng Fili­pino pug dahil napinsala ang kanyang utak bunga ng matin­ding suntok na inabot bago natapos ang sagupaan.

Ang tagumpay na ito ni Do­mingo ay kanyang ika-40 sa 56 laban at ika-sampung su­nod matapos matalo kay Ka­zuyuki Ichikawa ng Japan noong 2007.

Nalaglag naman sa ikatlong sunod na kabiguan at pang-anim sa 33 laban at sinasabing nabalian ito ng tadyang dala ng mga pinakawalang malalakas na suntok ni Domingo.

Kinumpleto naman ng nagbabalik na si Jimrec Jaca ang pagdodomina ng mga Cebuano boxers nang hiritan naman ng fourth round TKO si James Kimori ng Kenya.

Dalawang beses na natumba si Kimori kay Jaca sa second at fourth round bago itinigil ni referee Tony Pesons ang laban may 1:13 sa ikaapat na round. Ika-30 panalo ito sa 39 laban ni Jaca at ipinakikitang handa na uli siya para sumabak sa malalaking laban.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ni Jaca matapos magpahinga sa loob ng 15 buwan nang lumasap ito ng tatlong sunod na kabiguan noong 2008.

vuukle comment

ALA BOXING PROMOTION

CEBU CITY

DOMINGO

GENE DEL BLANCO

GORRES

JACA

LABAN

MELENDEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with