^

PSN Palaro

Batang decathlete umagaw ng eksena sa Milo Open trackfest

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Mas kinakikitaan ng magandang paglalaro ang mga junior athletes kumpara sa mga elite sa 2010 Milo National Open Track and Field Championship na nagtapos kahapon sa Rizal Memorial Track Oval sa Malate Manila.

Ihanay si Jesson Ramil Cid sa mga batang atleta na gumawa ng marka sa taong ito nang burahin ang 28-taong national record sa decathlon.

Pumangalawa lamang sa UAAP sa 10-event na tagisan, ang 18-anyos na si Cid na tubong Ilocos Norte at nag-aaral ngayon sa Far Eastern University ay nakalikom ng kahanga-hangang 6,094 puntos upang palitan na ang dating marka na 5535 na ginawa pa ni Dario De Rosas noon pang Disyembre 19,1982 sa isang RP-US Dual Meet sa Baguio City.

Pinangunahan nga ni Cid ang pito sa sampung events na pinaglabanan upang makuha ang tagumpay laban sa kakampi sa FEU na si Mark Ian Delos Santos na gumawa lamang ng 5152 puntos.

Bago ang Open ay sumali muna si Cid sa UAAP athletics at natalo siya kay Javier Luis Go­mez para sa ginto nang gu­mawa ang UP bet ng 5803 habang si Cid ay mayroon la­mang na 5614 puntos.

Bagamat nasa unang pagkakataon na lumaro sa Open, alam ni Cid na makakagawa siya ng kasaysayan dahil pinaghandaan niya nang husto ang kompetisyon.

“Focus talaga kami sa mga jumping events dahil mas mataas na ang mga points na ibinibigay dito kaya alam kong kaya kong ma-break ang record,” wika ng 5’11 atleta na hinawakan din ni dating Gintong Alay chief at Ilocos Norte sports director Michael Keon.

 Ang bagong marka na ito ni Cid ay tumabon sa mga panalo ng mga pinagpipitaganang kasapi ng national team sa kanilang mga events.

Pero dahil walang mga ma­bibigat na katunggali ay hindi na­kagawa ng bagong marka ang mga ito at nakontento na lamang sa gintong medalya.

Si Olympian Eduardo Buenavista ay muling naghari sa 10000m run gamit ang mabagal na tiyempo na 32:59.07 pero sapat na upang talunin ng kasapi ng PAF sina Mendel Lopez ng Cebu (33:01.4) at Hernanni Sore ng University of Baguio (33:34.9)

 Napasama naman si Ar­niel Ferrera sa talaan ng mga double gold medalist sa tatlong araw na torneo nang manalo sa discus throw sa naitalang 44.11metro marka. Ang unang ginto ni Ferrera na kasapi ng PAF ay sa paboritong hammer throw bago kumuha pa ng pilak sa shotput.

 Pumangalawa si Nixon Mas ng Cebu (40.57m) habang si Joel Sta. Maria ng FEU ang pumangatlo sa 38.14m.

 Ang Laos SEAG gold medalist sa women’s javelin na si Rosie Villarito ay nanalo rin ng dalawang ginto sa paboritong javelin sa 33.04m at sa shot put sa 11.08 metro.

ANG LAOS

BAGUIO CITY

CEBU

CID

DARIO DE ROSAS

DUAL MEET

FAR EASTERN UNIVERSITY

FERRERA

ILOCOS NORTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with