^

PSN Palaro

Smart Gilas susukatan ang Qatar sa FIBA-Asia Champions Cup

- Joey Villar -

DOHA, Qatar - Isang 6-foot-10 Siberian center at isang Fil-American guard ang ipaparada ng Smart Gilas Pilipinas para sa 21st FIBA-Asia Champions Cup dito sa Al Gharafa Stadium.

Ibabandera ng Smart Gilas sina Siberian import Milan Vucice­vic at Fil-Am Chris Lutz sa kanilang pagsagupa sa Al Rayyan ng Qatar.

“It’s really exciting, it’s definitely a great experience for me, pla­ying for flag and country and in a different country,” wika ng 25-anyos na si Lutz, isang Business Management graduate. “I’m looking forward to getting on the court.”

Ang 6’4 na si Lutz, may mga averages na 8.7 points, 1.9 rebounds, 1.5 assists at1.0 steal para sa Marshal University Thun­dering Herd sa nakaraang US NCAA season, ang siyang sasalo sa maiiwang trabaho ng mga may injury na sina JV Casio, JR Cawaling at Fil-Am Marcio Lassiter.

Nanggaling ang Al Rayyan sa isang 88-66 paggupo sa Duhok ng Iraq sa Group A preliminary match kung saan tumipa sina Ame­ri­can imports Michael Fey at Cory Bradford ng 20 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Binuksan naman ng nagdedepensang Mahram ng Iran ang ka­nilang title-retention bid nang ilampaso ang Astana Tigers ng Kazakhstan, 77-49, na tinampukan ng 19 puntos, 8 boards at 5 assists ni Jackson Vroman.

Umiskor rin ng panalo ang Al Riyadi ng Lebanon makaraang talunin ang Al Jalaa ng Syria, 87-77.

Binigo naman ng Saudi Arabia ang Al Nasr ng United Arab Emirates, 77-69.

Makakasagupa ng Smart Gilas ang Astana Tigers ng Kazakhstan sa Lunes kasunod ang Mahram ng Iran sa Martes at ang Duhok ng Iraq sa Miyerkules para kumpletuhin ang kanilang mga laban sa Group A.

Nasa Group B ang Al Riyadi ng Lebanon, ASU ng Jordan, Al Jalaa ng Syria, Al Hilal ng Saudi Arabia at Al Nasr ng United Arab Emirates.  

AL GHARAFA STADIUM

AL JALAA

AL NASR

AL RAYYAN

AL RIYADI

ASTANA TIGERS

GROUP A

SAUDI ARABIA

SMART GILAS

UNITED ARAB EMIRATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with