Simula na ng aksyon sa Nat'l Open, 17 gold nakataya
MANILA, Philippines - Siyam na ginto sa kabuuang 17 itataya ang paglalabanan sa elite category sa pagsisimula ng 2010 Milo National Open Track and Field Championship ngayon sa Rizal Memorial Track Oval.
Si POC president Jose Cojuangco Jr. ang siyang inimbitahan upang maging panauhing pandangal sa pagbubukas ng kompetisyon na itinakda ganap na alas-2 ng hapon.
Sina PSC chairman Harry Angping na nagbigay ng tulong sa tatlong araw na kompetisyon, at dating PSC chairman Philip Ella Juico ay inimbitahan din upang makiisa sa seremonya.
Ang mga gintong paglalabanan sa elite ay sa larangan ng 5,000m run, 110m hurdles at hammer throw sa kalalakihan at 3,000m steeplecase, pole vault, high jump, discus throw, long jump at 1,0000m run sa kababaihan.
Mga pambatong mananakbo ng PATAFA bukod pa sa ilang dayuhan at mga junior athletes ang magpapasiklaban sa kompetisyon na maglalayong sukatin ang husay ng mga elite athletes na maghahangad na mapasama sa Asian Games sa Guangzhou, China.
Ang mangunguna sa karera para sa gintong medalya sa elite ay si Eduardo Buenavista, ang multi-titled trackster na inaasahang tatakbo sa 5000m run.
Ang mga dayuhang kalahok ay magmumula naman sa Chinese Taipei, Korea, Sabah, Malaysia at US.
Si Ashley Jones ang natatanging kalahok ng US na kasali sa torneo na magtatapos sa Linggo.
- Latest
- Trending