Finals isasaayos na ng Lyceum, SSC BELLES

MANILA, Philippines - MANILA, Philippines - Aasahan ng San Sebastian at Lyceum ang muling matibay na paglalaro buhat sa kanilang Thai imports upang makuha ang mahalagang tagumpay sa kanilang mga katapat at ma­selyuhan ang pagkikita sa finals sa Shakey’s V-League Season 7 ngayon sa The Arena sa San Juan.

Unang sasalang ang Lady Stags laban sa Ateneo sa alas-2 ng hapon na tagisan bago sumunod ang Lady Pirates la­ban sa UST dakong alas-4 sa Game Two ng kani-kanilang se­­mifinals series.

Nakaalagwa sa mahalagang 1-0 bentahe ang San Sebastian at Lyceum ng kakitaan ng impre­sibong paglalaro sina Jeng Bua­lee at Porntip Santrong.

Kumawala sa 20 puntos si Bualee, kasama ang 17 kills at 2 blocks upang pangunahan ang 25-21, 25-18, 25-18, tagumpay sa Lady Eagles na kinulang ng arsenal dahil sa pagkawala ni Charo Soriano bunga ng ACL injury.

Tiwala si coach Roger Gora­yeb sa kakayahan ng kanyang koponan na tapusin ang laban ngunit alam niyang hindi dapat magkumpiyansa ang mga ba­taan upang makausad na ng tu­luyan sa finals sa torneong inor­ganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT MyDSL sa tulong ng Shakey’s Pizza.

“May kakayahang buma­ngon ang Ateneo kaya hindi da­pat kami magpabaya,” wika ni Gorayeb na balak ihatid ang San Sebastian sa kanilang ika­anim na paglalaro sa championship round.

Unang pagkakataong makapasok sa Finals naman ang magpapainit sa Lyceum saka­ling makadalawang sunod sila sa five-time champion UST.

Kumawala ng 35 puntos ka­sama ang 27 kills ni Santrong kasama ang mga mahahalagang puntos sa huling dalawang sets para makumpleto ng Lady Pirates ang 30-32, 25-15, 23-25, 25-23, 15-10, panalo sa Lady Tigresses.

Maliban sa opensa ni Santrong ay nakitaan din ng matibay na depensa ang Lyceum na si­yang nais na muling makita ni coach Emil Lontoc para tulu­yang mapatalsik ang UST sa tor­neong suportado rin ng Accel, Mikasa at Mighty Bond.

Show comments