UST, SSC belles asam ang Game 1

MANILA, Philippines - Lumapit sa hangaring ikatlong sunod na titulo ang hanap ng UST sa pag­ha­rap nila sa Lyceum sa pagsisimula ng Sha­key’s V-League Season 7 semifinals ngayon sa The Arena sa San Juan.

Ang Lady Tigresses ang lumabas na number one sa Group II sa quarterfinals sa 3-0 karta nang talunin nila ang Ateneo upang maitakda ang pagtutuos sa Lady Pi­rates na number two team sa group I sa isang best-of-three series.

Ang laro ay itinakda ganap na alas-2 ng hapon at kasunod nito ay ang pag­kikita ng San Sebas­tian na nanguna sa kabi­lang grupo laban sa Ateneo dakong alas-4.

Ang papalaring koponan ay aabante sa Finals na ligang inorganisa ng Sports Vision at ipri­nisenta ng PLDT myDSL at suportado ng Shakey’s Pizza.

Inilagay din ang Finals sa isang best-of-three series at sisimulan sa Mayo 23.

Show comments