Angping umaasa na 'di maaapektuhan ang paghahanda ng mga atleta sa Asiad

MANILA, Philippines - Sa pagpasok ng bagong administrasyon, umaasa si Philippine Sports Commission (PSC) chairman Harry Angping na hindi maaapektuhan ang paghahanda ng mga national athletes para sa darating na 16th Asian Games sa Guangzhou, China.

At bunga ng pagiging co-terminus kay Pangulong Gloria Ma­capagal-Arroyo, inaasahang lilisanin ni Angping ang PSC sa Hunyo 30.

Nakatakda ang 2010 Guangzhou Asiad sa Nobyembre 12-27.

Kagaya ni Angping, umaasa rin si Philippine Olympic Committee (POC) spokesman Joey Romasanta na hindi maaapektuhan ng pagbabago sa administrasyon sa sports commission ang pre­parasyon ng mga atleta para sa naturang quadrennial event.

“I just hope our preparations would not be affected,” ani Romasanta, magsisilbing Chef De Mission ng RP delegation sa Guangzhou Asiad. “Whoever it is, we’re hoping for a better relationship between the POC and the PSC.”

Mula nang iluklok si Angping ni Pangulong Arroyo noong Enero ng 2009, naging kritiko na ng dating Manila Congressman si POC president Jose “Peping” Cojuangco, Jr. na nasa kanyang ikalawang termino bilang POC head at tiyuhin ni Presidente Benigno “Noynoy” Aquino III. 

Show comments