^

PSN Palaro

ASAP nakipag-alyansa sa NSAs, POC kakalampagin

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Palalakasin ng Aquatics Sports Association of the Philippines (ASAP) ang kanilang ingay sa Philippine Olympic Committee (POC) sa pagsasanib puwersa sa ibang nagrereklamong National Sports Associations (NSAs) na may problema sa kanilang liderato.

Ito ang inihayag ni Jane Ong, vice president ng ASAP ng dumalo sa PSA Forum kahapon sa Shakey’s UN Avenue, Manila.

Ang ASAP ay nakikipagtagisan sa Philippine Aqua­tics Sports Association (PASA) sa pamumuno ni Mark Joseph na kanilang inakusahan na hindi sumunod sa na­pagkasunduan nang umupo ito bilang kahalili ni Chito Ilagan noong 2005.

Si Joseph ay nagpatawag ng eleksyon pero hindi imbitado ang dating mga kasapi na ngayon ay kasama ng ASAP na lalong nagpadagdag init sa iringan ng mag­kabilang kampo.

“Maraming NSAs ang may problema at dumudulog sa POC at handa kaming magsama-sama upang gumawa ng isang liham para mapansin ang aming rek­lamo,” wika ni Ong.

Bagamat inihayag din nito na handa silang makipag-isa sa liderato ni Joseph, pero dapat munang ayusin ng POC deputy sec-gen ang listahan ng botante at kasapi nito at magsagawa ng tunay na halalan.

Ang basehan ni Joseph sa isinagawang eleksyon sa Cebu City ay ang bagong Konstitusyon pero di madetermina ang bilang ng mga dumalong kasapi.

“Why not,” wika ni Ong sa katanungan kung handa ni­lang tapusin ang problema. “Pero kailangan muna ni­yang ayusin ang membership ng PASA. Ako nga ay miyembro na tinanggap ni Mark. Ilang sulat na ang ginawa ko pero hindi niya ako tinutugon.”  

vuukle comment

AQUATICS SPORTS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

CEBU CITY

CHITO ILAGAN

JANE ONG

MARK JOSEPH

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

ONG

PHILIPPINE AQUA

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

SI JOSEPH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with