Sharapova, Henin talsik sa Madrid Masters
MADRID--Agad na napatalsik sa first round ang dating top-ranked players na si Justine Henin at Maria Sharapova sa Madrid Masters.
Binigo ni Aravane Rezai ng France si Henin, 4-6, 7-5, 6-0, habang iginupo naman ni Lucie Safarova ng Czech Republic si Sharapova, 6-4, 6-3.
Sinabi ni Henin na hindi pa siya nakakabangon mula sa kanyang sakit matapos manalo sa Porsche Grand Prix sa Stuttgart kamakailan.
“Madrid has been a difficult experience this year and I hopethat next year will be better,” wika ni Henin.
Nakabawi naman si Sharapova buhat sa malamyang simula para itabla sa 4-4 sa first set hanggang kontrolin ni Safarova ang sumunod na anim na laro para sa kanyang 6-4 panalo.
“It’s a struggle trying to find the rhythm,” wika ni Sharapova. “I thought she played really solid, good tennis and did everything she needed to win the match. More solid than me anyway.”
Samantala, tinalo naman ni fourth-seeded Venus Williams si Swiss qualifier Stefanie Voegele, 6-4, 6-2.
Sa men’s side, sinibak ni ninth-seeded David Ferrer si Jeremy Chardyng France, 6-3, 7-6 (2), habang giniba ni Ivo Karlovic ng Croatia si Evgeny Korolev ng Kazakhstan, 6-4, 7-6 (5) para itakda ang kanilang second-round match ni sixth-seeded Fernando Verdasco at ginitla ni Juan Monaco ng Argentina si Simon Greul ng Germany, 6-1, 6-1.
- Latest
- Trending