MANILA, Philippines - Patuloy ang pagpapatala para sa “Pilipino Star NGAYONFun Run for a Cause” na nakatakda sa Mayo 15 sa SM Mall of Asia grounds sa Pasay City.
Ilang libong runners na ang nagpalista para sa naturang event na nakatakda sa ganap na alas-5 ng umaga.
Ang mga events na nakalatag ay ang 3k, 5k at 10k. Ang entry fee ay P350 (3k at 5k) at P400 (10k), kasama na ang limited edition na Pilipino Star NGAYON run singlet at race bib na may timing chips at donasyon sa Operation Damayan.
Ang pagpaparehistro ay kasalukuyang nagaganap sa R.O.X. Bonifacio High Street, Chris Sports outlets sa SM MOA, SM North Edsa, SM Megamall at SM Sucat. Ang onsite registration ay makikita sa SM Mall of Asia grounds sa Mayo 10 at 11 mula alas-6:30 hanggang alas-9 ng umaga.
Maaari ring magpatala ang mga partisipante via online sa www.runningmate.ph/psngayon. Ang deadline ay nakatakda sa Mayo 12.
Makakatanggap ang mga top finishers ng mga cash prizes at gift packs sa fun run na suportado ng Globe, SM Mall of Asia, San Mig Coffee, Diamond Hotel, Pan Pacific, The Real Bank, Microtel, R.O.X., Chris Sports, Top Nine, Premier at media partners The Philippine STAR, PM, Freeman at Banat.