1st Tac Padilla air gun workshop
MANILA, Philippines - Patuloy sa kanyang pagpupursige si multi-titled pistol star Nathaniel ‘Tac’ Padilla para sa pagkakaroon ng mga future champions sa kanyang pagdaraos ng 1st Tac Padilla Olympic air gun shooting workshop sa Mayo 8-30 sa PNSA/Marine range sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Ang mga estudyante mula sa 23 paaralan ay iniimbitahang lumahok sa nasabing event na naghahangad na maikalat ang sportsmanship at camaraderie patungo sa pag-oorganisa ng unang PNSA/NYDP inter-school air gun championships.
Ang pagsali sa workshop ay libre, ayon kay Padilla, isang rapid fire gold medalist sa 2009 Laos Southeast Asian Games.
Mga estudyante lamang na may edad 13 hanggang 20-anyos ang maaaring lumahok.
Ang workshop sechedule ay sa Mayo 8 (first batch), Mayo 8-14 (second batch), Mayo 15-21 (third batch), Mayo 22-29 (awarding of certificates) at Mayo 30 (culimination activity).
Ang air pistol at air rifle events para sa lalaki at babae ay paglalabanan sa inter-school Olympic air gun tournament.
Para sa pagpapatala, kailangang ipresinta ng mag-aaral ang kanyang school identification card at certification mula sa Sports Director. Ang sinumang interesado ay makipag-ugnayan lang kay Apaul sa 5121928, Rhoda (5102139) at Jimmy (8932893) para sa detalye.
- Latest
- Trending

















