^

PSN Palaro

Semis natuhog ng Lady Eagles

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Nakakuha ng mahalagang suporta si Thai import Sontaya Keawbundit upang maihatid ang Ateneo sa semifinals sa Sha­key’s V-League Season 7 sa pamamagitan ng 25-22, 25-12, 25-23, panalo sa Southwestern University kahapon sa The Arena sa San Juan.

Ang tagumpay ay ikalawang sunod ng Lady Eagles upang masamahan ang wala ring talo sa dalawang laro na UST sa Final Four sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT MyDSL sa suporta ng Shakey’s Pizza.

Si Keawbundit ay nagpa­kawala ng 14 puntos habang si Fille Cainglet ay nagdagdag din ng 14 at sina Angeline Gervacio, Aillyse Nacachi at Denise Acevedo ay nagsanib sa 22 pun­tos para mangibabaw sa straight sets.

Ang mahusay na pagtutulu­ngan ng Lady Eagles ay tumabon sa di paglalaro ni Charo Soriano at Bea Pascual dahil sa magkaibang kadahilanan.

Si Soriano ay may iniindang injury habang si Pascual ay nag­babakasyon sa US.

Napahirapan man sa una at ikatlong set ay napagtagum­payan pa rin ng Ateneo na mailusot ang laban sa Lady Cobras dala ng mas magandang teamwork sa opensa at depensa.

“Masaya ako sa panalong ito. Sana’y magpatuloy ang pag-step up ng mga players ko upang ma­ipagpatuloy ang momentum sa semifinals,” wika ni Ateneo coach Clint Malazo.

Hangad ng Ateneo na mahi­gitan ang naitalang runner-up pag­tatapos noong 2008 sa ligang suportado rin ng Accel, Mikasa at Mighty Bond.

Paglalabanan ng Ateneo at UST ang liderato sa Group II sa Mayo 13 dahil magpapahinga ng isang linggo ang liga dahil sa magaganap na Pambansang halalan sa Lunes (Mayo 10).

Si SWU Thai import Piyatada Lasungnern ay mayroong 16 hits pero sila lamang ang naghatid ng doble pigura para sa koponan na namaalam na kasama ng St. Benilde sa 0-2 karta.

Pinalakas pa ng Adamson ang kanilang kampanya sa pag­pasok sa susunod na round sa pagpuwersa ng knockout match laban sa San Sebastian para sa ikalawa at hu­ling semis slot sa Group 1 ma­tapos na ilaglag ang University of St. La Salle, 25-16, 25-17, 25-19 sa ikalawang laro.

Gaya ng dapat asahan, mu­ling nagpasikat ang guest player na si Nerissa Bautista sa pagposte ng 15 puntos, kabilang ang 13 hits, habang nagbigay naman si Angela Benting ng suporta mula sa kanyang nai­ambag na 13 puntos para sa La­dy Falcons na tumabla sa Lady Stags sa parehong 1-1 win-loss slate.

Binanderahan naman ni Mi­chelle Laborte ang USLS sa kanyang inilistang 11 hits bagamat tuluyan na silang namaalam sa kontensyon sanhi ng 0-2 kartada.

AILLYSE NACACHI

ANGELA BENTING

ANGELINE GERVACIO

ATENEO

BEA PASCUAL

CHARO SORIANO

CLINT MALAZO

DENISE ACEVEDO

LADY EAGLES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with