^

PSN Palaro

Romasanta 'di nababahala sa preparasyon sa Asian Games

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Hindi nababahala si POC Chief of Mission Joey Ro­masanta sa pagkakaantala sa preparasyon ng Pam­bansang koponan para sa Asian Games sa Guangzhou, China sa Nobyembre.

“Kahit nga si Manny Pacquiao two months lang ay nakakapaghanda sa malaking laban, ang mga atleta rin natin ay kayang makapaghanda lalo nga’t mahaba-haba pa ang panahon bago ang Asian Games,” wika ni Romasanta.

Tumahimik ang preparasyon ng bansa dahil inaantay munang matapos ang gaganaping Pambansang eleksyon na isasagawa sa Mayo 10.

Kailangang malaman muna kung sino ang mananalong bagong Pangulo ng bansa lalo nga’t hindi magkasundo ang pamunuan ni POC president Jose Cojuangco Jr. at si PSC chairman Harry Angping.

Si Cojuangco ay tiyuhin ni Presidentiable at Senador Benigno “Noynoy” Aquino at nananalig sila na kung ma­nalo ito ay magkakaroon ng lubusang suporta ang palakasan ng bansa.

Nauna nang nagsabi si Cojuangco na hahanap ng pondo mula sa pribadong sektor upang tustusan ang anila’y karapat-dapat na masama sa koponan.

AQUINO

ASIAN GAMES

CHIEF OF MISSION JOEY RO

COJUANGCO

GUANGZHOU

HARRY ANGPING

JOSE COJUANGCO JR.

SENADOR BENIGNO

SI COJUANGCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with