^

PSN Palaro

RP triathletes 'di kinaya ang hamon ng dayuhan

- Ni Angeline Tan -

SUBIC , Philippines --Hindi kinaya ng mga pambatong triathletes ng bansa ang husay ng mga da­yuhan nang mabigong makapag­hatid ng medalya sa unang araw ng 2010 ITU Subic Bay Internatio­nal Triathlon-Asia Cup race ka­hapon sa dating US Naval ba­se dito.

Tanging si LC Langit ang may pinakamagandang tinapos sa hanay ng mga pambato ng Pilipinas nang pumang-apat ito sa elite female division sa naitalang 2:19:11 tiyempo sa karerang inilagay sa Olympic distance.

Ang China ang nakapagdomina sa kategoryang ito nang kunin ang unang tatlong puwesto sa katauhan nina Wang Yi (2:11:44), Fan Dan (2:12:29) at Zhang Yi (2:17:46).

Ang mga pambato naman sa male at female Junior Elite na pinaglabanan sa sprint distance na sina Kim Mangrobang, Nikko Huelgas at Philip Jurolan ay hin­di rin pinalad nang si Mangro­bang ay tumapos lamang sa pang-18 (1:13:01) habang sina Huelgas (1:06:38) at Jurolan (1:08:57) ay nalagay sa ika-20 at 24 puwesto.

Ang mga Hapon na sina Ko­hei Tsubaki at Yuka Sato na parehong nakikita ang sarili na lalaro sa London Olympics sa 2012, ang kumuha sa gintong medalya sa bilis na 59:46 at 1:06:13 ayon sa pagkakasunod.

Ang Japan din ay nakapag­domina sa Junior Elite male at female team events upang ipa­kita ang kahandaan na makapagdomina uli sa torneong inor­ganisa ng Triathlon Association of the Philippines (TRAP) ha­bang co-presentor ang Subic Bay Metropolitan Authority at Philippine Sports Commission (PSC).

Si PSC chairman Harry Ang­ping ang naging panau­hing pandangal sa awarding ceremonies.

ANG CHINA

ANG JAPAN

FAN DAN

HARRY ANG

JUNIOR ELITE

KIM MANGROBANG

LONDON OLYMPICS

NIKKO HUELGAS

PHILIP JUROLAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with