Padua pipiliting ma-knockout si Bucag

MANILA, Philippines - Sisikapin ni Dennis Padua na ma-knockout ang kanyang kalabang si Rene Bucag sa main event ng Blow By Blow ma­mayang gabi.

Si Padua, na may 4-1-1 record, ay naghaha­ngad ng kanyang ikali­mang biktima upang la­long tumingkad ang kanyang imahe sa pro ranks. Ang baguhang ito buhat sa Guimban, Nueva cija ay may dalawang knockouts na.

Subalit ang beteranong si Bucag na may 8-7-1 record ay hindi natitinag sa lakas ni Padua. Naniniwala andg 22-an­yos na si Bucag, na tubong Kidapawan City, na kaya niyang mapigilan ang kalaban. Si Bucag ay may naitala na limang knockouts.

Ang Veteran sports commentator na si Mon Liboro at boxing columnist na si Dennis Prinsipe ang siyang naghahatid ng blow by blow na detalye ng mga laban sa programang sumasahimpapawid tuwing Sabado at may replays tuwing Miyerkules sa CATV Network at affiliates nito mula Laoag hanggang Sor­sogon.

Kapana-panabik din ang sagupaan nina Dayer Gabutan at Elorde Gym veteran Juluis Agcorpa. Ang 20-taong gulang na si Gabutan ay may 7-1-2 record at apat na knockouts. Si Agcorpa, 15-9-2, ay isang Boholano na may walong knockouts. 

Show comments