^

PSN Palaro

PSN fund-raising run sisikad sa Mayo 15

-

MANILA, Philippines - Magdaraos ang Operation Damayan, ang humanitarian arm ng STAR Group of Publications, ng isang fund-raising run na tinawag na “Pilipino Star NGAYON Fun Run for a Cause” sa Mayo 15 sa SM Mall of Asia grounds sa Pasay City.

Ang event, nakatakda sa ganap na alas-5 ng uma­ga, ay isasagawa upang makatulong sa Adopt-A-School project via “Bigay Todo sa Pagtakbo” kung saan ang malilikom na pondo ay mapupunta sa pagpapagawa ng San Isidro Elementary School sa Naguilian, La Union, isa sa mga eskuwela­hang lubhang naapektuhan ng bagyong si “Pepeng” no­ong nakaraang taon.

Ang mga events na na­kalatag ay ang 3k, 5k at 10k. Ang entry fee ay P350 (3k at 5k) at P400 (10k), kasama na ang li­mited edition na Pilipino Star NGAYON run singlet at race bib na may timing chips at donasyon sa Ope­ration Damayan.

Ang pagpapalista ay kasalukuyang nagaganap sa­ R.O.X. Bonifacio High Street, Chris Sports outlets sa SM MOA, SM North Ed­sa, SM Megamall at SM Sucat. Ang onsite registration ay makikita sa SM Mall of Asia grounds sa Mayo 1 at 2 mula alas-6:30 hanggang alas-9 ng umaga.

Maaari ring magpatala ang mga partisipante via online sa www.runningma­te.ph/psngayon. Ang deadline ay nakatakda sa Mayo 12.

Mga cash prizes at gift packs ang matatanggap ng mga top finishers sa fun run na suportado ng Globe, SM Mall of Asia, San Mig Coffee, Diamond Hotel, Pan Pacific, The Real Bank, Microtel, R.O.X., Chris Sports, Top Nine, Premier at media partners The Philippine STAR, PM, Freeman at Ba­nat.

BIGAY TODO

BONIFACIO HIGH STREET

CHRIS SPORTS

DIAMOND HOTEL

FUN RUN

GROUP OF PUBLICATIONS

LA UNION

MALL OF ASIA

PILIPINO STAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with