RP chessers isinalba ni Antonio
SUBIC, Philippines - Habang natikman ni GM Wesley So ang kanyang unang kabiguan, iwinawagayway naman ni GM Rogelio Antonio, Jr. ang Philippine flag.
Tinalo ni Antonio si Pouria Darini ng Iran para sa kanyang 4.5 points at buhayin ang kanyang tsansa sa naturang nine-round tournament na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP).
Pinasuko ng Philippine Army mainstay na si Antonio ang Iranian player matapos ang 33 moves ng Sicilian Alapin.
“I still have a good chance of making it with two more rounds left,” wika ng tubong Calapan, Oriental Mindoro, tumabla sa third place sa 2009 qualifying event para sa 2011 World Cup.
Natalo naman si So, nabigong makatulak ng draw, kay GM Ni Hua ng China sa 74 moves ng Slav.
Pinayukod naman ni GM Li Chao ng China si GM Yu Yangyi, habang tinalo ni GM Abhijeet Gupta ng India si GM Gopal Narayanan Geetha at ginitla ni GM Ling Direng ng China si Bayarsaikhan Gundavaa ng Mongolia para makasalo si Li sa liderato sa magkatulad nilang 5.5 points.
Bumagsak si So, seeded fourth mula sa kanyang ELO rating na 2665, sa pagkakatabla sa fifth hanggang eight places sa bitbit niyang 5.0 points patungo sa huling dalawang rounds.
Nabigo rin si GM John Paul Gomez kay GM Zhou Jianchao ng China.
Nasa itaas ng 4.0 points ni Gomez ang mga may 4.5 points na sina GM Pentala Harikirshna, top seed GM Le Quang Liem ng Vietnam at GM Ehsan Ghaemmaghami ng Iran.
- Latest
- Trending