^

PSN Palaro

Pagiging bayani ng mga boxing greats, sasariwain sa Hall of Fame

-

MANILA, Philippines - Mula sa kadukhaan hanggang sa pagiging bayani sa palakasan.

Muling sasariwain ang mga na­ging kontribusyon nina Gabriel “Flash” Elorde, Ceferino Garcia, Francisco “Pancho Villa” Guilledo, ang mag-amang Jose “Cely” at Anthony Villanueva bilang mga unang iluluklok sa Philippine Sports Hall of Fame.

Ang unang grupo ay kukum­pletuhin nina Olympians Teofilo Yldefonso, Simeon Toribio, Miguel White at Caloy Loyzaga at ang 1954 national basketball team sa seremonyang nakatak­da sa Mayo 5 sa Maynilad Hall ng Manila Hotel.

Ang lahat ng atensyon ay inaasahang sesentro sa mga boxing greats na nagbigay ng karangalan sa bansa.

Kagaya ni Elorde na isang elementary school dropout na nagsimula bilang isang bowling ball bearer at karpintero bago naging undisputed world junior lightweight champion sa loob ng pitong taon simula noong 1960.

Noong Hunyo 15, 1967 sa kanyang pang 11th title defense, natanggal sa tubong Bogo, Cebu ang kanyang korona.

Bago si Elorde, sumikat mu­na si Guilledo ng Negros Occidental na naging flyweight titlist noong 1923 para maging kauna-unahang Filipino world champion.

Ang 5-foot-1 na si Guilledo, tinaguriang “Pancho Villa”, ay hindi napabagsak sa kabuuan ng kanyang boxing career bago ang kanyang biglaang pagkamatay 17 araw bago ang kanyang ika-24 kaarawan bunga ng komplikasyon sa ipinabunot niyang ngipin.

Sa pagitan nina Guilledo at Elorde, dumating naman si Garcia, ang nagpasimula sa sikat nga­yong ‘bolo punch’, nang ma­ging world middleweight cha­m­pion noong 1939 hanggang 1940.

ANTHONY VILLANUEVA

CALOY LOYZAGA

CEFERINO GARCIA

ELORDE

GUILLEDO

MANILA HOTEL

MAYNILAD HALL

MIGUEL WHITE

PANCHO VILLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with