Chinese fighter yanig kay Barriga

MANILA, Philippines - Ginitla ni light flyweight contender Mark Anthony Barriga ng Panabo, Davao del Norte si Zhang Liang ng China mula sa kanyang 7-3 panalo sa 16th World Youth Amateur Boxing Championships sa Baku, Azerbaijan.

Ito ang unang tagum­pay ng isang Filipino pug sa naturang torneo.

Susunod na maka­ka­sagupa ng 17-anyos na si Barriga si Tanes Ongjunta ng Thailand, tumalo kay Mohamed Bin Hamid ng Singapore.

Dalawa sa limang Pi­noy na ipinadala ang nasi­bak na sa kontensyon. Ito ay sina featherweight Nathaniel Montealto ng Puerto Princesa na nakatikim ng 2-7 kabiguan kay Tosin Kazeem Oliwo ng Nigeria at bantamweight Ricky Dulay ng Calbayog City, Samar na binugbog ni Patrik Velky ng Czech Republic, 4-16.

Makakalaban naman ni lightweight Michael De­lorino ng Catarman, Nor­thern Samar ang mananalo sa pagitan nina Walid Mohamed Sedik ng Egypt at Jonathan Agathe ng Mau­ritius.

Haharapin naman ni fly­weight Jenno Cabugngan ng Tagbilaran City, Bohol si Hong Min ng Korea.

Isang panalo lamang ang kailangan nina Barri­ga, Cabugngan at Delorino upang makapasok sa quarterfinals, habang limang panalo ang magbi­bigay sa kanila ng ginto.

Show comments