^

PSN Palaro

So tumabla sa Chinese GM

-

MANILA, Philippines - Nakontento si GM Wesley So ng Pilipinas na makitabla kay GM Yu Yangyi ng China upang ma­natiling nakasalo sa liderato matapos ang fourth round sa 2010 Asian Individual Chess Championships na idinadaos sa Subic Exhibition and Convention Center.

Nagtabla ang dalawang GM nang kapwa silang matirahan ng isang queen, dalawang rooks at apat na pawns.

Ang resulta ng laro ay tumapos sa tatlong sunod na panalo ng nagdedepensang kampeon pero sapat pa rin upang makasalo sa liderato tangan ang 3.5 points kasama si Yu at GM Susanto Megaranto ng In­donesia sa nine-round torneo na inorganisa ng Na­tional Chess Federation of the Philippines (NCFP) sa pakikipagtulungan sa PSC, DOT, PCSO, PAGCOR at Subic Bay Metropolitan Authority.

 Tatlong manlalaro naman ang nasa ikalawang grupo at kapos ng kalaha­ting puntos sa nangungunang grupo.

Si Chinese GM Li Chao na nanalo sa 2007 PGMA Cup at 2008 Philip­pine International Open ay tumabla naman sa hu­ling laro laban kay Megaranto.

Sina Olympiad-bound GMs Rogelio Antonio at John Paul Gomez kasama si GM-elect Ronald Dableo ay nakikipagtagisan pa laban kina Mongolian Dashzegve, Iranian Asghar Golizadeh at Indian Narayan Gopal Geetha.

Nangunguna naman si Chinese IM Wang Yu sa labanan sa kababaihan laban sa kakamping WFM Ding Yixin.

Si Yu ay may 3.5 puntos matapos makipagtabla kay Ding na may 3 puntos para sa pangalawang puwesto.

Angat si Ding ng kalahating puntos kina Vietnamese WGM Nguyen Thi Than An at Chinese WGM Ju Wenjun.

ASIAN INDIVIDUAL CHESS CHAMPIONSHIPS

CHESS FEDERATION OF THE PHILIPPINES

DING YIXIN

INDIAN NARAYAN GOPAL GEETHA

INTERNATIONAL OPEN

IRANIAN ASGHAR GOLIZADEH

JOHN PAUL GOMEZ

JU WENJUN

LI CHAO

MONGOLIAN DASHZEGVE

NGUYEN THI THAN AN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with