^

PSN Palaro

St. Clare runner uli sa POCARI run

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines – Hindi nawala ang tikas ng pagtakbo ni Janette Lumidao upang masamahan si Elmer Sabal na hinirang na kampeon ng POCARI Sweat Fun Run II kahapon sa The Fort sa Global City, Taguig.

Ang 18-anyos mag-aaral ng St Clare ay tinuhog ang ikalawang titulo sa patakbong inorganisa ng energy drink nang mapagharian ang mas mahabang 16-kilometrong distansya.

Hindi pinaporma ni Lumidao, isang triple-gold medalist sa NAAS­CU, ang mga nakalabang sina Genevieve dela Pena at Michelle Estuar matapos kunin ang distansya sa loob ng isang oras at 10 minuto.

Si Dela Pena ay kinapos ng 45 segundo (1:10:45) habang tumapos si Estuar sa bilis na 1:12:00.

Halagang P5,000 bukod pa sa gift packs ang nakuha ni Lu­midao na naunang dinomina ang 10K race na idinaos nitong Marso.

Hindi naman nagpahuli si Sabal nang dominahin naman ang kalalakihan sa ibinigay na 56 minuto at 20 segundo.

Limang segundong kinapos ang pumangalawang si Rafael Poliquit (56:25) habang si Rene Desuyo ang tumapos sa ikatlong puwesto sa 57:31.

May idinaos ding karera sa 10k at 5k na pinagharian din ng mga kilalang batang lansangan.

Si Bernardo Desamito Jr. at Adjennie delos Santos ang nangu­na sa 10K habang sina Mervin Guarte at Nhe-Ann Barcena ang kumawala sa 5K run.

ELMER SABAL

GLOBAL CITY

JANETTE LUMIDAO

MERVIN GUARTE

MICHELLE ESTUAR

NHE-ANN BARCENA

RAFAEL POLIQUIT

RENE DESUYO

SI BERNARDO DESAMITO JR.

SI DELA PENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with