^

PSN Palaro

Pamatay na porma ng mga Korean cagers matutunghayan

-

MANILA, Philippines - Nais ba nating talunin ang bas­ketball powerhouse na China? Puwes, tingnan natin kung paano ito ginagawa ng mga Koreano.

Magpupugay ang Korean Basketball League (KBL) sa CAT Network at dito mapapanood ng mga Pinoy ang kakayahan ng koponang humiya sa Chinese team na pinangungunahan ng NBA player na si Yao Ming noong 2002 Asian Games.

Matagal na rin namang nasasaksihan ng mga Pinoy ang Korean brand ng basketball da­hil sa tinunghayan nila ang ex­ploits ng mga tulad nina Shin Dong Pa.

Subalit sa pag-ere ng KBL games sa CAT Network ay ma­susundan ng mga Pinoy ang mga batang Koreanong ma­kakasagupa natin sa mga darating na international competitions.

Sa home and away format, ang bawat KBL team ay lalaro ng 54 games sa isang season. Ang bawat teams ay may dalawang imports na magbibigay ng karagdagang excitement.

Ayon kay CAT Network Pre­sident and CEO Jeff Manibay, ang pagsasahimpapawid ng mga laro ng KBL mula Laoag hang­gang Sorsogon ay maaring magmulat ng mata ng mga kabataang mahilig sa basketball.

“Korean basketball has gone far beyond what we have achieved in the past 20 years. Napag-iwanan na tayo. The KBL games on CAT Network is an opportunity for us to look closely at what they are doing right and adapt whatever is applicable,” aniya.

Bunga ng tagumpay laban sa China sa Asiad at sa Beijing Olympics qualifier, ang Korea ay kabilang sa maituturing na elite sa Asian basketball. Ayon kay Manibay ay puwede na­ting masundan ang yapak nito. “The Philippines lost dominance when it started playing like the Americans. Korea became a powerhouse when they started playing like Filipinos.” 

ASIAN GAMES

AYON

BEIJING OLYMPICS

JEFF MANIBAY

KOREAN BASKETBALL LEAGUE

NETWORK PRE

PINOY

SHIN DONG PA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with