^

PSN Palaro

Sapat na pondo para sa pangarap na Olympic gold medal: Atienza

-

MANILA, Philippines - Sinabi kahapon ni dating Ma­nila Mayor Lito Atienza na ang bahagi ng mga panguna­hing siyudad mula sa national budget sa pamamagitan ng in­­ternal revenue allotments ay da­pat makatulong sa pagkuha sa pinapangarap ng bansang kauna-unahang Olympic gold medal.

Sinabi pa ni Atienza, naglunsad sa Manila Youth Games sa kanyang nine-year term bilang Alkalde ng Maynila mula 1998 hanggang 2007, na magiging ma­hirap ang kampanya ng mga Filipino athletes sa 2012 London Olympics.

Ngunit kumpiyansa naman siyang magkakaroon ng tsansa ang mga Pinoy para sa Olympic gold medal sa 2016 Olympics Games sa Rio de Janeiro.

“But local government units, especially the big ones, should be of help if we are serious in achieving our Olympic dream,” ani Atienza, muling naghaha­ngad na makuha ang Mayoralty post. “LGUs can step up their hunt for young athletes who possess potential of becoming the country’s next top athlete. And many are just waiting for that opportunity.”

Idinagdag ni Atienza na na­ging matagumpay ang pagha­hanap nila ng mga bagong at­leta sa pamamagitan ng MYG na inilunsad noong 2002 sa pamamagitan ng Manila Sports Council (Masco) ng anak na si Ali Atienza.

Ilang produkto ng MYG ay ku­matawan na sa bansa sa Southeast Asian Games.

Ang sports activities, dagdag pa ng dating Secretary ng Department of Environment and Na­tural Resources (DENR), ang pumupuksa sa drug menace sa bansa.

ALI ATIENZA

ATIENZA

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NA

LONDON OLYMPICS

MANILA SPORTS COUNCIL

MANILA YOUTH GAMES

MAYOR LITO ATIENZA

OLYMPICS GAMES

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with