^

PSN Palaro

AdU, Lyceum kakasa sa q'finals

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Kumana ng 23 kills si Thai im­port Porntip Santrong upang muling pangunahan ang Ly­ceums sa kinuhang 25-16, 25-21, 24-26, 25-18 tagumpay sa St. Benilde sa pagbabalik ak­syon ng 7th Shakey’s V-League kahapon sa The Arena sa San Juan.

Gumawa ng kabuuang 25 puntos si Santrong at hindi siya napigil ng depensa ng Lady Bla­zers para bigyan ang Lady Pirates ng 2-0 karta sa ligang inorganisa ng Sports Vision at iprinisinta ng PLDT MyDSL at suportado ng Shakey’s Pizza.

Unang nanalo ang koponan sa Adamson sa apat na sets at si Santrong ay nagpasabog ng 26 hits.

Ito ang pinakamagandang panimula ng Lyceum sa ligang suportado rin ng Mikasa, Accel at Mighty Bond pero higit dito ay naselyuhan na ng Lady Pirates ang unang puwesto sa quarterfinals sa Group B.

Ang UST na mayroon ding 2-0 karta sa Group A ay na­kapa­sok na rin sa susunod na round.

May 19 hits kasama ang 16 kills si Joy Cases habang 14 at 10 hits naman ang ginawa nina Dahlia Cruz at Nica Guliman para sa Lyceum.

“Masaya ako pero hindi pa kontento sa laro nila. Mababa pa ang level ng game lalo sa at­tacks at blockings. Kailangan itong mag-improve going into the next stages of competition,” wika ni coach Emil Lontoc.

Magkakaroon ng pagkaka­taon ang Lyceum na mapa­tindi pa ang paglalaro dahil sa gagawing pagsasanay dahil sa isang linggong break sa kani­lang iskedul.

Ikatlong sunod na kabiguan naman ito ng Lady Blazers pa­ra maging kauna-unahang ko­ponan sa liga na namaalam.

Sina Rosanna Fajardo at Giza Yumang ay may tig-14 hits habang si Cindy Optana ay nagdagdag ng 10 para sa na­talong koponan.

Samantala, hindi na rin pina­kawalan pa ng Adamson ang pagkakataong upuan ang isang puwesto sa quarters matapos na ipagkait sa University of San Jose-Recoletos ang kanilang asam na magandang debut ga­me sa bisa ng 25-11, 25-17, 25-8 panalo sa ikalawang laro.

Nagpakawala si Pau Soriano ng 18 hits at nagdagdag na­man si Angela Benting ng 14 puntos para sa Lady Falcons na inilista ang kanilang ikalawang pa­nalo matapos ang tatlong laro sa Group B.

ADAMSON

ANGELA BENTING

CINDY OPTANA

DAHLIA CRUZ

EMIL LONTOC

GIZA YUMANG

GROUP A

GROUP B

LADY PIRATES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with