^

PSN Palaro

African Rider sa Stage 2

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Tila humugot ng lakas sa matingkad na sikat ng araw si South African Pie­ter Seyffert upang daigin si Japanese Junpel Mu­ra­kami at Filipino Arnel Qui­rimit sa rematehan pa­ra mapagharian ang Stage 2 Circuit race sa 20­10 Le Tour de Filipinas na nagsimula at nagtapos sa Rajah Sulaiman Park sa Roxas Boulevard kahapon.

“Its very important win for us because this is our first win for the season. It will serve as a morale booster to us,” masayang sinabi ng 22-anyos na si Seyffert na kabilang sa Team DCM.

“The heat was not a problem because in South Africa we also have the sa­me heat. We are co­ming from summer where usual temperature is at 35 to 40 degrees,” paliwanag pa nito sa kung bakit walang epekto ang init sa gi­nawang pagdiskarte sa karera.

Magkakasama sina Seyffert, Murakami, Qui­rimit at dalawa pang Pinoy na si Oscar Rendole at Al­fred Asuncion sa lead pack matapos ang ikalawa sa limang ikot na karera na kung saan ang isang ikot ay nasukat sa 12.1 kilometro.

Sa huling lap ay kuma­wala ang tatlo pero sa hu­ling 500m ay tumudo na ang dalawang dayuhan. Ngunit may pangalawang buhos pa si Seyffert para kunin ang lap win at ang gantimpalang P84,000 na inilaan ng nag-oorgani­sang Dynamic Outsource Solutions Inc. (DOS-I) at handog ng Tanduay sa tu­long ng Air21 at Smart.

Ang limang siklista ay naorasan ng isang oras, 12 minuto at 12 segundo habang ang nalalabing siklista ay nakasama sa peloton na tumapos sa pa­ngalawang grupo sa bi­lis na 1:21:50.

Kasama nga sa tumapos sa ikalawang grupo ay ang nagkampeon sa sta­ge one na si David Mc­Cann ng Giant Asia Ri­ding Team.

Pero hindi nahubad sa 37-anyos Irishman ang yellow jersey papasok sa stage three ngayon da­hil kasama niyang pumasok sa meta ang iba pang kasama sa top five tulad nina Lloyd Lucien Reynante ng 7-Eleven at Baler Ravina ng Team Pilipinas-Batang Tagaytay na kapos lamang ng 2:34 at 2:36.

Ang Stage 3 ngayon ay isang 146.60 kilometer road race mula Quezon City hanggang Subic at alam ni McCann na kaila­ngan niyang magbantay sa ibang siklistang pu­we­deng makaagaw pa sa kanyang hangad na ti­­tulo.

Dahil sa patuloy na mainit na pagsakay ng American Vinyl, nangu­nguna pa rin sila sa Team Classification at mayroon na sila ngayon na isang 1:58 segundong bentahe sa Smart sa team race.

Si Baler Ravina ng American Vinyl ay nakakaungos kung labanan sa Young Rider award ang pag-uusapan dahil angat pa siya ng 2:11 laban kay Van Rensburg para sa kategorya. 

AMERICAN VINYL

ANG STAGE

BALER RAVINA

DAVID MC

DYNAMIC OUTSOURCE SOLUTIONS INC

FILIPINO ARNEL QUI

GIANT ASIA RI

JAPANESE JUNPEL MU

SEYFFERT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with