^

PSN Palaro

'Fighting For A Dream'

-

MANILA, Philippines - Patuloy ang misyon ng programang Blow By Blow na makahanap ng mga batang boksingerong susunod sa mga yapak ng world’s Best Pound for Pound Fighter Manny “Pacman” Pacquiao.

Iba’t ibang boxing gyms ang binibisita ng Blow By Blow ling­gu-linggo sa pag-asang makita ang boksingerong susunod na ha­hangaan sa Pilipinas at maging sa buong mundo.

Susundan ng Blow By Blow ang mga laban ng mga ito mula sa four rounders, six rounders at eight rounders na siyang itinakda bago sila magkaroon ng lisensiya bilang full-pledged professional fighters.

Kabilang sa tututukan ng Blow By Blow ang training ng mga local fighters na ito na kinakailangang magkaroon ng marubdob na pagnanasang umangat sa pinili nilang propesyon.

Ang boxing commentator na si Mon Liboro at boxing columnist Dennis Prinsipe ang siyang hihimay sa progreso ng mga boksi­ngerong ito. Kabilang sa mga tututukan nila ang up-and-coming figh­ters na sina Dennis Padua, Noel Sungahid, Dayer Gabutan at Vincent Palicte na ngayon pa lamang ay nagpapakitang-gilas na. Ang Blow By Blow ay napapanood mula Laoag hanggang Sor­sogon via CAT Network tuwing Sabado sa alas-8 ng gabi.

ANG BLOW BY BLOW

BEST POUND

BLOW

BLOW BY BLOW

DAYER GABUTAN

DENNIS PADUA

DENNIS PRINSIPE

KABILANG

MON LIBORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with