Quisay, Barcena wagi sa Slimmer Run 2010

MANILA, Philippines - Dinomina ng mga beteranong runners na sina Alley Qui­say at Nhea-An Barcena ang 10-kilometer event ng 2010 Slimmer Run sa Bonifacio Global City sa Taguig kahapon.

Sinamantala ni Quisay ang pagkalito ng dating co-leader na si Irinio Raquin sa finish line upang agawin ang P6,000 cash prize para sa men’s first place.

Ayon kay Quisay, angat si Raquin ng ilang metro, sumab­lay siya sa corner turn may 1.5 kilometro ang layo sa finish line at ang pagkakataong ito ang sinamantala ni Quisay upang kunin ang pangunguna patu­ngo sa finish line sa tiyempong 32-minuto at 30-segundong marka.

Napagwagian naman ni Bar­cena ang kababaihan ng ha­wakan nito ang trangko mula sa simula sa oras na 40:43.

Pumangalawa kay Barcena si Mischelle Gilbuena na tinapos ang 10-K race sa tiyempong 40:53 at sumunod ang Kenyan na si Susan Jemutai na may 44:23. Bumandera naman sa men’s 5-K si Jujet de Asis na tinalo si Michael Bacong na ga-buhok lamang ang agwat.

Show comments