^

PSN Palaro

Jr. NBA Philippine team pipiliin ngayon

-

MANILA, Philippines - Malalaman na ang walong ma­palad na batang edad 12 hanggang 14 na lumahok sa Jr. NBA Program sa Manila na mabibigyan ng pagkakataon ma­kapanood ng live ng isang NBA game sa taong ito.

Si NBA Legend BJ Arms­trong at US Jr. NBA coach Frank Lopez ay nasa bansa upang si­yang sumuri sa mga batang karapat-dapat na mapabilang sa mabibigyan ng ganitong karanasan na gagawin ngayon sa Jose Rizal University Gym.

 Umabot sa 40 ang lumahok sa taong ito at sa huling tatlong araw ay sumailalim ang mga ka­sali sa mga drills at seminars na nakasentro sa kalusugan, ta­mang nutrisyon at tamang pag-inom ng tubig upang makaiwas sa dehydration.

 Si Lopez, na nangangasiwa ng mga training camps sa NBA teams tulad ng Orlando Magic at Dallas Mavericks ay nasa ban­sa sa ikatlong sunod na taon pero unang pagkakataon ito na isang basketball legend tulad ni Armstrong ang makakasama sa pagsuri sa mga sumali sa camp.

Ang iba pang Jr. NBA coa­ching staff ay sina PBA Legends Ronnie Magsanoc, Benjie Paras, Elmer Cabahug at Cadel Mosqueda.

 Ang JR. NBA Philippines ay iprinisenta ng Hi-Smart Multi-vitamins at suportado ng Gatorade, Basketball TV, Mitsubishi Motors, Hotel Marriott Manila, SM Super malls, Spalding at DepEd.

vuukle comment

BENJIE PARAS

CADEL MOSQUEDA

DALLAS MAVERICKS

ELMER CABAHUG

FRANK LOPEZ

HOTEL MARRIOTT MANILA

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LEGENDS RONNIE MAGSANOC

MITSUBISHI MOTORS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with