^

PSN Palaro

Dayuhang siklista dumating na sa bansa

-

MANILA, Philippines - Ang mga dayuhang kopo­nan na susukat sa husay ng mga local teams sa 2010 Le Tour de Filipinas (Tour of the Philippines) ay dumating na sa bansa.

Ang Shimano ng Japan, Snow Leopard ng Mongolia, DCM ng South Africa, OCBC ng Singapore, CCN Sportswear Colossi ng Hong Kong at Giant Asia Racing Team ay lu­mapag sa bansa kahapon upang magkaroon ng kaunting pagkakataon na mapag-aralan ang ruta ng Tour.

Apat na yugto lamang ang itatakbo ng Tour na inorganisa ng Dynamic Outsource Solutions Inc. at handog ng Tanduay katuwang ang Smart at Air21.

Ang Team Vali ASR Kerman ng Iran ay kasali rin sana pero hindi na tumuloy nang magkaroon sila ng problema sa visa sa siklista.

Ibabandera naman ang Pili­pinas ng mga koponan ng Tan­duay, Smart, Air21, Extra Joss, Team Pilipinas na dating Batang Tagaytay, American Vinyl, Wow Videoke, Camsur Sports Complex at Camsur La­gos del Rey.

Magsisimula ang karera sa Sabado sa pamamagitan ng Tagaytay-Tagaytay ruta at ki­nabukasan naman ay lilipat sa Roxas Boulevard para sa Circuit race.

Ang stage three sa Lunes ay sisimulan sa Quezon City at matatapos sa Subic habang ang huling yugto ay Subic-to-Subic na karera.

Lalabas ang Le Tour de Fili­pinas bilang kaauna-unahang Tour sa huling 10 taon na binigyan ng pagkilala at basbas ng international federation na UCI matapos itong bigyan ng 2.2 klasipikasyon.

AMERICAN VINYL

ANG SHIMANO

ANG TEAM VALI

BATANG TAGAYTAY

CAMSUR LA

CAMSUR SPORTS COMPLEX

DYNAMIC OUTSOURCE SOLUTIONS INC

EXTRA JOSS

LE TOUR

SUBIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with