Gomez, Orcollo may tiket na sa Asiad
MANILA, Philippines - Kabilang na sina Roberto Gomez at Dennis Orcollo na tutumbok sa 16th Asian Games matapos na ipamalas ang kani-kanilang supremidad sa idinaos na qualification tournament sa Rizal memorial Billiards Center sa Malate, Manila.
Pinasargo ng 2007 World Pool Championship finalist na si Gomez si Orcollo, 13-11 sa finals ng 8-ball competition nitong Lunes.
Nakuha ni Orcollo ang karapatan na katawanin ang bansa sa Asiad na gaganapin sa Nov. 12-27 sa Guangzhou, China, matapos na bawian si Efren ‘Bata’ Reyes, 13-12 sa final naman ng 9-ball competition nitong Miyerkules.
Magpapatuloy ang Asiad qualification tournament sa Lunes.
- Latest
- Trending