PHOENIX--Nakuha ng dehadong Phoenix Suns ang home-court advantage sa first round ng NBA Playoffs.
Ito ay matapos talunin ng Suns, sa likod nina Amare Stoudemire at Steve Nash, ang Denver Nuggets,123-101, upang angkinin ang No. 4 seed at maaari pang maging No. 3 sa Western Conference kung mananaig sa Utah.
“It’s a reward for the collective energy we’ve put into it this season,” wika ni Nash. “We enjoy this and we want to keep getting better and see how good we can be.”
Umiskor si Stoudemire ng 26 puntos, habang may 18 naman si Nash bukod pa ang kanyang 10 assists bago ipahinga sa fourth quarter patungo sa pang 11th sunod na panalo ng Suns sa Nuggets sa kanilang tahanan sa Phoenix.
Maaari pang masikwat ng Nuggets ang No. 4 spot at ang first-round homecourt edge sakaling manalo ang Phoenix sa Utah.
Tumipa ang Suns ng 14-of-24 sa 3-point range at 11-of-17 sa unang tatlong yugto ng laro kontra Nuggets.
Sa Los Angeles, naglista si Pau Gasol ng 28 puntos at walong rebounds, nagdagdag si Shannon Brown ng 24 puntos at ipinahinga si Kobe Bryant, tinapos ng Lakers ang kanilang regular-season home schedule sa bisa ng 106-100 panalo laban sa Sacramento Kings.
Sa Chicago, tumipa si Derrick Rose ng career-high 39 puntos at nagdagdag si Kirk Hinrich ng season-high 30 puntos at tinulungan ang Bulls na palakasin ang kanilang tsansa sa playoff sa bisa ng 101-93 pananaig sa Boston Celtics.