76ers sunog sa Heat

PHILADELPHIA--Kumana si Dwyane Wade ng 30 puntos na sinuportahan ni Udonis Haslem ng go-ahead basket may 1.3 segundo ang nalalabi at tinalo ng Miami Heat ang 76ers sa NBA nitong Lunes.

Itinabla ni Andre Iguo­dala ang iskor sa 105-105 para sa Sixers mula sa kanyang tres may 20 se­gundo ang nalalabi.Ngunit hindi nagpabaya ang Heat, lalaro na 5th place sa East, at kanilang pinayuko ang 76ers.

Sa iba pang laro, hiniya ng Atlanta Hawks ang Milwaukee Bucks, 104-96; pinadapa ng Toronto Raptors ang Detroit Pistons, 111-97; pinigil ng Orlando Magic ang Indiana Pa­cers, 118-98 at pinataob ng Charlotte Bobcats ang New Jersey Nets, 105-95.

Show comments