^

PSN Palaro

Asam ang unang panalo sa Shakey's V-League 7th season hahataw ngayon: ATENEO, UST gustong magpasiklab agad

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Agawan sa unang panalo ang magaganap sa apat na koponang magtataas ng telon sa 7th Shakey’s V-League nga­yon sa The Arena sa San Juan.

Magbabalik ang Thai import na si Keawbundit Sonta­ya sa Ateneo sa torneong ito at makikilatis ang kanyang ma­gagawa para sa koponan sa pag­harap sa St. Benilde sa pa­buwenamanong aksyon ganap na alas-2 ng hapon.

Isang makulay na seremon­ya ang magaganap isang oras bago ang unang sagupaan sa torneong patuloy na binibigyan ng ayuda ng Shakey’s Pizza at inorganisa pa rin ng Sports Vision.

Ang UST na siyang nag­dedepensang kampeon sa li­gang binigyan din ng ayuda ng Mikasa Accel at Mighty Bond, ay mapapalaban naman sa FEU sa huling laro dakong alas-4.

Magbabalik sa Lady Tigres­ses si dating MVP Mary Jean Balse na tinulungan ang UST na manalo ng tatlong titulo bago namahinga ang koponan noong 2008.

Patok ang koponang hawak ni coach Shaq delos Santos ma­tapos madomina nila ang huling dalawang conferences.

Makakaagapay ni Balse sina Aiza Maizo at Maru Banaticla na iginiya ang koponan sa UAAP volleyball title.

Sa kamay naman nina Ann Ta­ganas, Shaira Gonzales, Nu­may Vivas at April Jose isa­sandal ang kampanya ng Lady Tamaraws na magnanais na mahigitan ang pinakamagandang pangatlong puwesto na pagtatapos sa torneo na naitala noong ikalimang conferen­ce ng naturang torneo.

Ang Lady Eagles ay ibinalik si Sontaya upang itambal sa kanilang guest player na si Charo Soriano para mapagtibay ang hangaring tagumpay.

Sampung koponan ang ka­sali sa torneo sa conference na ito at mahalaga ang bawat laro dahil single round robin la­mang ang elimination round.

vuukle comment

AIZA MAIZO

ANG LADY EAGLES

ANN TA

APRIL JOSE

CHARO SORIANO

KEAWBUNDIT SONTA

LADY TAMARAWS

LADY TIGRES

MAGBABALIK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with