^

PSN Palaro

Supalpal ni Anthony kay Fisher, gumiba sa Lakers

-

DENVER-- Imbes na isang game-winning shot, isang krusyal na supalpal ang ginawa ni Carmelo An­thony sa pagtunog ng fi­nal buzzer.

Blinangka ni Anthony ang tira ni Derek Fisher upang ipreserba ang 98-96 panalo ng Denver Nuggets sa nagdedepensang Los Angeles Lakers na nag­­laro na wala si Kobe Bryant.

“Feels good to do so­mething else, though, other than hitting a game-winner,” wika ni Anthony, umiskor ng 31 puntos para pangunahan ang Nuggets. “That felt just as good as hitting the game-winner. It was a game-winner.”

Ang panalo ang nag-angat sa Denver sa Utah para sa liderato ng Northwest Division at nasa kon­tensyon pa para sa second seed sa Wes­tern Conference laban sa Phoenix, Dallas at Jazz.

“For us, our playoffs started a week ago,” ani Chauncey Billups. “We’ve got to play ugly, we’ve got to fight, scratch and claw to try to get out (of the regular season) the best way we can. That’s absolutely what we did.”

Ipinahinga ng La­kers si Bryant na may nama­magang kanang tuhod at sumasakit na daliri.

Sa kabila ng kabiguan sa apat sa kanilang huling limang laro, hawak pa rin ng Lakers ang No 1 spot sa Western Division at kailangan na lamang na manalo sa isa sa kanilang huling apat na laban para ganap itong makuha.

Kinuha ng Nuggets ang isang 15-point lead sa third quarter bago naka­dikit ang Lakers sa 96-97 agwat.

Sa huling 18 segundo, binutata ni Shannon Brown ng Lakers ang tira ni J.R. Smith ng Denver ka­sunod ang kanyang defensive rebound at outlet pass kay Fisher na ginulat ni Billups para sa isang turnover.

Isinalpak ni Smith ang isang freethrow para sa 98-96 lamang ng Nuggets bago ang supalpal ni Anthony kay Fisher sa pagtunog ng final buzzer.

CARMELO AN

CHAUNCEY BILLUPS

DENVER NUGGETS

DEREK FISHER

KOBE BRYANT

LOS ANGELES LAKERS

NORTHWEST DIVISION

SHANNON BROWN

SHY

WESTERN DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with