Woods papalo sa 2010 Masters

MANILA, Philippines - Inaasahang muling aagaw ng eksena ang kontrobersyal na si Tiger Woods sa kanyang pagbabalik sa 2010 Masters Golf tournament na isasaere mula sa Augusta National Golf Club simula bukas hanggang Lunes sa Studio 23.

Hangad ni Woods ang kanyang pang limang green jacket sa Masters, ang premier tournament ng golf sa buong mundo.

Ang nangyaring vehicular accident noong Nobyembre ng 2009 ang siyang nagbunyag ng kanyang pangangaliwa.

Ito ang unang com­­pe­titive golf na lalahukan ni Woods makaraan ang kanyang indefinite leave.

Makakasabayan ni Woods ang kanyang kapwa dating kampeong si Phil Mickelson.

Nasa torneo rin ang mga bigating sina Trevor Immelman at Angel Cabrera bukod sa mga mahuhusay ring sina Re­tief Goosen, Sergio Gar­cia at Anthony Kim.

Show comments